Sunday, May 8, 2011

Quirkylakwatsa#6: Manila Seedling Bank

Manila Seedling Bank (p.79, MBD)
Quezon Ave. Extension cor. EDSA, Quezon City

Date of Lakwatsa: May 8, 2011





Manay will start growing Basil kaya kailangan nya ng "potting mix" at "pot" para sa kanyang project. So from Sidcor Sunday Market, tumawid kami via footbridge sa kabilang side ng Quezon Ave. Extension - sa Manila Seedling Bank.

First time kong pumasok sa loob ng facility na ito bagaman 12 years ko na itong nakikita at nadadaanan araw-araw to and from UP.

At gaya ng inaasahan, maraming halaman - from flowering/ ornamental to herbs to fruit trees. Potted, sold and ready to be planted.






Dito ka rin makakabili ng iba pang gamit sa paghahalaman kagaya ng paso, gardening tools, mixes para sa lupa, fertilizers, starter compost, seedling bags, at seedlings. Meron ding "Subasta Depot" para sa mga gamit pang-halaman at pambahay (gaya ng mga plato) na ibinebenta at bargain prices.




 I also had a good time taking photos of flowers kahit na medyo hindi maganda ang pasok ng natural lighting dahil 1)nasa loob kami ng green house, and 2) madilim ang paligid kasi umuulan.









Nakabili din naman ng potting mix at pot si Manay and is now ready to start her Basil growing project. :D


No comments:

Post a Comment